Letter4U
Create cute, interactable, and so pretty digital gifts and love letters
Yung FLAMES sa likod ng notebook, nasa web na
Nasa web na. At hindi tinamad ang paggawa.
Hindi ka bibigyan ng sagot agad — may ritual pa rin. Isusulat ang mga pangalan, letra por letra, sa handwriting sa pad paper. Ekis-ekis ang magkapareho, isa-isang pares, may hand-drawn na ballpen stroke na umaalog at nag-iiba ang diin. Hindi 'yung pangit na line-through. Bibilangin ang natira. Tapos babagsak ang F-L-A-M-E-S, isa-isa, hanggang isa na lang.
Anim hanggang siyam na segundo. Kasi ang kaba, 'yun ang laro — hindi ang math.
Marriage? Screenshot agad. Enemies? Sorry na lang. Magkapatid? Nakakainis 'yan.
At may sagot pa pala kapag ubos lahat ng letra. Pareho o anagram ang pangalan niyo? Walang matitira. May sarili 'yang card.
Walang public list. Kailanman. Kung sino lang ang binigyan mo ng link, sila lang ang nakakakita. Walang "recently played", walang search ng pangalan, walang tsismis feed. Marami ditong estudyante na pangalan ng iba ang tina-type — hindi namin gagawing bulletin board 'yan. Ang anonymous na results, kusang nabubura after 90 days.
Walang sign-up para maglaro, makita ang sagot, o mag-share. Account lang kung gusto mong ma-save.
Sige, try mo. Pangalan mo + crush mo. Wala kaming sasabihin kahit kanino.
Sign in to join the discussion.
Sign in to commentBased on 0 reviews
No comments yet. Start the discussion with something useful.